budgeting for beginners

Paano Mag Budget ng Pera Ngayong 2022

Isa sa mga frequently asked questions sa akin sa budgeting ay kung paano nga ba magsimulang mag-budget ng pera.

Yung iba pag naririning pa lang nila ang formula na Income – Expenses = Savings, naooverwhelm na kaagad.

Bakit?

Kasi expenses pa nga lang kulang na sa income, savings pa kaya? So, paano pa nila masusundan yung Income – Expenses = Savings?

Kaya instead na gumawa ng budget o spending plan, sumusuko na kagad sila at bahala na lang kung saan aabot ang sweldo nila.

So, paano ba dapat?

Sa video na ito ay ipapakita ko sa inyo ang isang way ng pag-babudget kung saan, ang pinakaunang step na gagawin natin ay isusulat muna natin ang ating expenses.

Step 1: List down your expenses 

Mahalaga ito dahil dito natin malalaman kung ano nga ba ang mga financial obligations o mga bayarin at pinagkakagastusan natin sa isang buwan.

Kasama na dito ang fixed expenses at variable expenses.

Fixed expenses – ito yung mga bills na fixed ang amount kada buwan kagaya ng:

  • house rent -5,000
  • internet – 1,500
  • loan – 2,000
  • tuition fee – 1,500
  • financial support for parents/siblings – 1,000

Variable expenses – ito yung mga bills o expenses na nag-iiba iba ang amount per month kagaya ng:

  • kuryente – 2,000
  • tubig – 500
  • food and groceries – 10,000
  • transpo allowance o gas – 3,000
  • personal allowance / fun fund – 2,000
  • tithe/church offering – 500
  • miscellaneous – 1,000

Total Expenses: 30,000

Step 2: List down your sources of income 

  • Husband’s salary – 20,000
  • Wife’s income – 10,000
  • Extra income – 2,000

Total Income: 32,000

Step 3: Get the difference between Income and Expenses

32,000 (Income) – 30,000 (Expenses) = 2,000 (Savings)

 

Ito ang 3 basic steps ng pagba-budget. Simple lang. Dito tayo magsisimula.

Step 1 pa lang, alam mo na kagad kung magkano ang total expenses nyo buwan buwan.

Sa step 2 naman, dito mo malalaman kung sapat ba ang income nyo para sa mga expenses nyo. Kung hindi, san kayo kumukuha pag nagsho-short ang income?

Nangungutang ba? O humahanap ng sideline o ibang pagkakakitaan?

Dito lalabas yung creativity and resourcefulness natin lalo na pag bayaran na ng bills.

Sa step 3, dito mo malalaman, kung may naiipon ba kayo para sa savings.

Kung wala, dito kayo mag-iisip ng paraan kung paano makakatipid sa expenses o kung paano madadagdagan ang income.

Simple at madali lang sundan ang first 3 basic steps ng pagba-budget.

Kaya ito ang challenge ko sa inyo. Kung hindi pa kayo nakakapag-budget, simulan nyo ng mag-budget ngayon.

Sundan nyo lang ang steps na shinare ko.

Pwede nyong idownload itong free basic budget template sa thepinayinvestor.com/freebies.

Pwede ring isulat nyo na lang sa isang papel o notebook. Ang mahalaga masimulan niyo na ang first 3 steps ng pagbabudget para may idea na kayo kung saan kayo ngayon in terms of your income and expenses. Kung sapat ba, sakto lang, o kulang pa ang income sa expenses.

Please take note, na simula pa lang ito ng pagba-budget. Marami pa akong isha-share sa inyong tips sa mga susunod nating videos.

Kaya kung hindi ka pa nakakapag-subscsribe ay, subscribe ka na, like, and share this video to your family and friends para sabay sabay tayong matuto sa pagba-budget at sa tamanag pag-manage ng ating finances.

Sabi nga sa Luke 16:10

If you are faithful in little things, you will be faithful in large ones.

Kaya huwag tayong mag-alala kung maliit ang ating income o hindi sapat, kasi pagdating ng panahon, by God’s grace, malay mo, bigyan tayo ni Lord ng malaking blessings, at least alam na natin kung paano ima-manage at iba-budget ang ating pera, according to God’s will and purpose.gf

Video #2: Monthly Budget, Paycheck Budget, Expense Tracker

Sa ating previous video, ay pinakita ko sa inyo ang first 3 steps ng paggawa ng budget.

  • Step 1: Ilista lahat ng expenses sa isang buwan
  • Step 2: Ilista ang income o kabuuang kita sa isang buwan
  • Step 3: Ibawas ang expenses mula sa income at alamin kung sakto, sobra, o kulang ang income sa expenses

Please take note na pwede nyong pagpalitin ang step 1 at step 2.

Inuna ko lang ilista yung expenses, kasi aminin natin, whether we have income or not, meron at meron pa din tayong expenses, lalo na kung meron tayong pamilya. At mas magandang alam natin ang mga expenses at bayarin natin kahit wala pang inaasahang income, kaysa ipagsawalang bahala na lang. Tapos pag due date na, saka lang tayo gagawa ng paraan.

Yung iba, pag tinatanong kung nagba-budget ba sila, ang madalas nating marinig na sagot ay,

“Paano magba-budget eh wala ngang income. Walang iba-budget.” 

Naiintindihan ko naman yun. Ano nga naman ang iba-budget kung walang pera, diba.

Pero linawin ko lang…

Alam ko madalas natin marinig o gamitin ang phrase na, “wala kaming budget ngayon” o “kulang ang budget”, kung saan ginagamit nating ang salitang “budget” bilang “pera”.

So pag sinabi nating “walang budget”, ibig sabihin, “walang pera”.

Pero kung ide-define natin ang salitang budget, ang ibig sabihin talaga nito ay “plano” o “spending plan”. Sa budget natin malalaman ang “cashflow” kasama na ung pumapasok na pera o “inflow/income” at yung lumalabas na pera o “outflow/expenses”.

That’s why I strongly suggest na gumawa ng budget o spending plan para aware tayo sa ating cashflow at mga financial obligations.

Halimbawa, pag nililista natin ang ating mga utility bills, nalalaman natin magkano ang kailangan nating bayaran sa kuryente ngayong buwan at kelan ang due date nito. Kasi pag hinayaan lang natin yan at hindi nabayaran on time, baka maputulan tayo ng kuryente diba… Mas hassle yun.

Pag meron tayong malinaw na budget o plano, nalalaman natin yung ating mga priorities, yung ating mga needs and wants.

Halimbawa, pay day kahapon at ang natanggap mong sweldo ay hindi sapat sa lahat ng expenses at bills for the next two weeks.

Kung may listahan ka ng expenses at bills mo, malalaman mo na kagad kung alin ba ang dapat mong unahin. Siyempre food and groceries muna, then ung mga bills na due na.

Kung yung kuryente nyo due na ngayong Friday, uunahin mo yun bayaran kaysa sa internet bill na sa 25th of the month pa ang due date.

Organizing your Budget or Spending Plan

Paano ba natin i-oorganize ang ating budget?

Pwede tayong gumamit ng tools o budgeting systems kagaya ng budgeting trackers, spreadsheets, templates, o printables na ipapakita ko ngayon.

1. Calendar Budget

Dito mo ipplot o ilalagay kung kelan ka nakakatanggap ng paycheck o sweldo, at yung mga bills and expenses na kailangan mong bayaran for that period.

For example, kung ang sweldo mo ay tuwing kinsenas at katapusan. Ilagay mo sa Feb 28 paycheck #1 at ung expected salary mo.

Then sa March 15 naman, paycheck #2 at ung amount.

Sa example budget natin, let’s assume na 16,000 pesos ang expected income tuwing kinsenas katapusan o 32,000 pesos kada buwan.

Kung weekly kayo nakakatanggap ng sahod, ilagay nyo sa calendar kung anong araw yun at kung magkano. Ganun din kung monthly ang sahod.

After mong ilagay ung paycheck #1 at amount, i-plot mo naman ngayon yung mga bills na kailangan bayaran on their due dates.

Halimbawa, tithe/church offering, financial support sa family, house rent, loan, naglalaan ka din ng amount para sa food at grocery for the next two weeks.

Sa pangalawang paycheck naman, plot mo din ung mga bills and expenses na due for the next two weeks. Kasama na dito ung family support, kuryente..

So, basically, sa calendar budget, nakikita na natin kagad ung mga paglalaanan kada sahod.

At kung mapapansin nyo, ung ibang bills o expenses, twice natin pinaplot kasi hinahati natin. kagaya ng loan, at family support. Ang reason nito is para hindi tayo mag short sa budget.

calendar-budget-sample

2. Monthly Budget

Dito natin isusulat ung total income at expenses natin sa isang buwan.

Nakaseparate dito ang fixed expenses o ung mga bills na fixed ang amount, at variable expenses, ung nag-iiba iba ang amount per month kagaya ng kuryente at tubig depende sa konsumo.

Sa monthly budget, isang tingin pa lang, alam mo na kagad kung magkano ang total income at expenses nyo monthly.

monthly-budget-sample

3. Paycheck Budget

Ito yung budget na ginagawa mo sa tuwing makakatanggap ka ng paycheck o sahod.

Parang calendar budget lang ito, pero instead na naka-plot ung paycheck at bills sa calendar, dito sa paycheck budget, nakasulat sa table.

For example, for Paycheck #1 na natanggap mo nung Feb 28, ilista mo lahat ng expenses na covered dito.

Ilagay mo ung amount at ung due date para hindi mo makalimutan. Kasi pag di mo nabayaran on time, baka magbayad ka pa ng penalties, dagdag gastos na naman diba.

Sa paycheck #2 naman na matatanggap mo on March 15, ilista mo lahat ng expenses na covered dito kagaya ng kuryente, tubig, internet, etc…

Ang kagandahan nitong Paycheck Budget ay mas realistic at specific talaga yung bills and expenses na kailangan paglaanan.

Alam mo na kagad kung saan mapupunta ang sweldo mo kada kinsenas o katapusan.

Applicable din ito sa mga nakakatanggap ng sahod weekly, monthly, o irregularly kagaya ng mga freelancers.

paycheck-budget-sample

4. Expense Tracker

Dito mo isusulat lahat ng expenses mo depende kung tuwing kelan ka nakakatanggap ng sahod (weekly, bi-monthly, monthly).

Gawin nating challenge ngayong buwan ang pagta-track ng expenses dahil dito talaga natin malalaman ang katotohanan kung saan napupunta ang ating sahod.

Gone are the days na parati ka na lang nagtataka at nanghuhula kung saan ba napunta ang sweldo mo. Kakasweldo lang kahapon, tapos ngayon, halos wala ng natira sa bank account o wallet mo. Sabi nga ng iba, “yung sweldo dumaan lang sa mga palad ko”.

If we’ll make it a habit to track our expenses, dito talaga natin malalaman kung bakit dumadaan lang sa mga palad natin ang ating sweldo.

expense-tracker-sample

Paano ba mag-track ng expenses? 

Let’s assume na P32,000 ang combined monthly income ng husband and wife sa isang family, kinsenas katapusan sila nakakatanggap ng sahod.

So halimbawa, kahapon ay Feb. 28, ang combined income na natanggap niyo ay P16,000 (kalahati ng P32,000 monthly income).

  • Step 1:  Isulat nyo yung amount na natanggap nyo

Feb. 28 Income: P16,000

Ito yung magiging starting balance nyo sa inyong Expense Tracker.

  • Step 2: Ilista nyo lahat ng expenses including bills nyo for the next two weeks or until maka-receive kayo ng sahod ulit.

Make it a habit to write down every expense kasama na yung mga maliliit lang ang amount. Halimbawa, pandesal P30. Ilista mo kagad or sa gabi bago matulog para di mo makalimutan.

Maganda din kung ilalagay mo ang running balance para aware ka kung magkano na lang ang natira sa pera mo.

Panoorin mo ang video na ito para sa mga budgeting systems at templates na maaaring makatulong sayo sa tamang pagba-budget.

Mahalaga sa atin ang perang ating pinaghirapan kaya let’s try our best to budget it properly. Kagaya ng sabi ko kanina, ang budget ang ating spending plan. Tayo dapat ang may control kung saan mapupunta ang pera natin, hindi yung tayo ang kinokontrol ng pera natin.

Sabi nga sa Proverbs 21:5

Plan carefully and you will have plenty; if you act too quickly, you will never have enough.

Itong mga budgeting tools and systems na pinakita ko sa inyo ay ilan lang sa mga pwede nyong gamitin para ma-budget at ma-manage nyo ng maayos ang inyong finances.

Pwede nyong gamitin lahat itong apat, pwede ding pumili lang kayo depende kung alin ang applicable sa inyo.

Yung iba monthly budget lang, okay na. Yung iba naman, mas gusto nila ung paycheck budget at expense tracker magkasama.

So nasa inyo yan. There’s no one-size fits all na budget system. Choose the type of budget that works for you.

Remember ang purpose ng budget is to help you organize your money, hindi para ma-overwhelm ka.

The more complicated the budget system is, the more na tatamarin tayo magbudget.

Pwede nyong idownload ang aking basic budget templates for free sa thepinayinvestor.com/freebies.

free-budget-printables

Or pwede kayong bumili ng aking premium budget printable bundles sa thepinayinvestor.com/shop.

best-budget-printables

While it’s challenging to budget and manage our finances, let’s try our best to do it well in this area, not as owners, because God owns everything, but as God’s manager and faithful servant of His gifts and blessings.

Sabi nga sa Proverbs 21:20

Wise people live in wealth and luxury, but stupid people spend their money as fast as they get it.


Watch out for our next videos in this Budgeting 101 series.

Video 3: Cash Envelopes

  • Multiple Bank Accounts (Online/Offline)

Video 4: Budget Reconciliation

Video 5: Savings 

  • Emergency Fund
  • Sinking Fund
  • Investment Fund

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *